Itinigil ng Partas Bus Company ang pagbibigay ng tulong sa mga kaanak ng mga biktima ng aksidenteng naganap sa Agoo, La Union na ikinasawi ng dalawangpu (20) katao.
Sa isang panayam, ipinabatid ni Chavit Singson, chairman ng Partas, na una na silang nakapagbigay ng tulong sa mga kaanak ngunit ito’t pinahinto ng kanilang abogado makaraang idemanda ang kanilang kumpanya.
Magugunitang sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pitong (7) bus ng Partas matapos mabigong isumite ang dash cam footage ng naganap na aksidente.
Iginiit naman ng iba pang kaanak ng mga namatayan, dapat mapanagot ang drayber ng bus makaraan itong pansamantalang palayain.
Samantala, nakatakda sa Enero 10 ang pagdinig sa naturang insidente.
Nakatakda namang ilibing ang mga bikitma sa Enero 5 sa Bauang South Public Cemetery.