Umabot na sa P11-B ang parte ng gobyerno mula sa Malampaya gas to power facility hanggang nitong katapusan ng Agosto.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation, ang naturang halaga ay royalty na magmula nang umpisahan ang commercial production ng pasilidad noong 2001.
Nakatipid din umano ang bansa ng nasa $8-B sa energy imports dahil sa Malampaya.
Nagsu–suplay ang Malampaya ng natural gas sa limang natural gas power plant sa Batangas kabilang ang Sta. Rita, San Lorenzo, Ilijan at San Gabriel na kumakatawan sa halos kalahati ng pangangailangan ng Luzon grid.