Natupok ng apoy ang kalahating ektarya ng plantasyon ng Toboso, Negros Occidental o katumbas ng7 buwang tanim na tubo na aanihin sa Nobyembre
Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), sinunog nitong Biyernes ng mga magsasaka ang mga damo matapos maani ang mga tubo sa katabing taniman.
Ngunit lumakas at bumaliktad umano ang direksiyon ng hangin kaya inabot ng apoy ang katabing plantasyon.
Habang pinagtulungan naman ng ilang residente at magsasaka ang pag-apula ng apoy at wala namang naitalang nasaktan sa sunog at tinutukoy pa ang halaga ng pinsala nito.