Asahan na ang partial delivery ng mga bagong attack helicopter na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo, bago matapos ang taon.
Ayon kay Budget secretary Benjamin Diokno, isinasapinal na ng pamahalaan ang purchase agreement ng dalawampu’t tatlong assault helicopters.
Mayroon anyang ilang available na stock kaya’t hindi malayong ma-i-deliver na ang mga bagong military equipment bago ang katapusan ng taong 2017.
Hindi naman idinetalye ni Diokno kung magkano at saan bibilhin ang mga nasabing helicopter.