Nakatakdang magpatupad ang Pilipinas ng partial deployment ban ng mga household service worker sa Kuwait.
Ito’y matapos ang panibagong kaso ng pagpatay sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) doon.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, hinihintay na lamang na aprubahan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) governing board ang rekomendasyon at maaari nang ipatupad ang ban.
Kasabay nito nilinaw ni Bello na hindi sakop ng ban ang mga balik-manggagawa, skilled workers at professionals.
Aniya ang mga first time worker na balak mamasukan bilang kasambahay ang kabilang sa ban.
Una rito, napaulat ang pagkamatay ni Jeanalyn Villavende matapos umanong bugbugin ng kaniyang babaeng amo sa Kuwait.