Posibleng tanggalin na ang umiiral na ban sa pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, posibleng irekomenda nya ang partial lifting ng ban para sa mga semi-skilled, skilled, professionals at balik manggagawa.
Sinabi ni Bello na nililitis na ang mga responsable sa pagkamatay ni Jeanelyn Villavende at umaasa sila na masesentensyahan ang mga ito sa kasong murder at rape.
Una rito, lumagda ang Pilipinas at Kuwait ng kasunduan para sa standard employment contract ng mga Filipino workers sa Kuwait.
Sinabi ni Bello na nakapaloob sa standard contract ang mga regulasyon na ini-endorso mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte katulad ng dapat ay nasa OFW ang kanilang pasaporte at cellphone, isang araw na day off at tamang oras ng pagtulog.