Maaari na muling makabyahe ang sinumang Pinoy patungong South Korea, maliban sa mga lugar na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Ito’y matapos ipatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang partial lifiting ng travel ban sa South Korea ngayong Miyerkules.
Ayon sa pahayag na ipinalabas ng BI, pupwede na muling makabyahe ang sinumang Pinoy patungong South Korea maliban sa North Gyeongsang Province, Daegu, at Cheongdo, na matinding naapektuhan ng COVID-19 outbreak.
Una rito, tanging mga Korean permanent resident visa holders, OFWs, at mga estudyante lamang ang pinapayagang makabyahe sa nasabing bansa matapos magpatupad ang Pilipnas ng travel ban dito dahil sa banta ng COVID-19.
Nanguna kasi ang South Korea sa may pinakamaraming kaso ng nasabing virus sa labas ng China.
Sa ngayon, mayroon nang mahigit 5,000 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa South Korea at 32 katao na ang naitatalang namatay.