Nasa ilalim pa rin ng partial lockdown ang National Bureau of Investigation (NBI) matapos mapositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang personnel at limang detainees.
Dahil dito, ayon kay NBI Deputy Director at spokesman Ferdinand Lavin, nangangahulugang tatanggap na lamang ang ahensya ng pre-scheduled transactions.
Matatandaang nasawi ang isang senior citizen detainee sa NBI matapos tamaan ng COVID-19 habang ilalagay naman sa isolation room ang mga nagpositibo sa virus.
Sinabi ni Lavin na walang tigil ang rapid testing, disinfection at sanitation sa kanilang tanggapan.