Pinalawig ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang partial opening ng Kennon Road dahil sa mga bagong schedule ng aktibidad kaugnay sa Panagbenga 2020.
Ipinabatid ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Cordillera na ang Kennon Road ay bubuksan para sa mga pribadong sasakyan ng two-way kada weekend, mula alas-6 ng umaga ng Biyernes, March 6, hanggang alas-6 ng gabi ng Lunes, March 9.
Ipatutupad ang parehong schedule ng pagbubukas ng kalsada sa mga susunod pang weekend na March 13 hanggang March 16, March 20 hanggang March 23 at March 27 hanggang March 30.
Kapag weekedays naman, mula alas-6:01 ng umaga gabi ng Lunes hanggang alas-5:59 ng umaga ng Biyernes, bukas ang isang linya lang ng Kennon Road sa northbound o ang lane na paakyat ng Baguio City.
Pinayuhan ang mga motorista na gamitin lang ang right lane para ang mga residente sa Kennon Road ang gagamit ng southbound lane.
Tanging ang light vehicles lamang o 5-tons at pababa ang papayagang dumaan sa kalsada at pinapayuhan ang mga motorista na sundin ang speed limit na 30-kilometers/hour.