Balik-operasyon na ang Pasig River Ferry Service (PRFS) simula sa Lunes, Agosto 3.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, libreng sakay ang handog sa mga pasahero ng partial operations ng ferry service.
Aniya, unang mag-o-operate ang mga ferry stations sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe, Valenzuela, Lawton, at Escolta mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Ngunit nilinaw ni Lim na kalahati lamang ng kapasidad ang papayagan, batay na rin sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF).