2 ferry boats lamang ang gumagana sa partial operation ng Pasig River ferry service.
Ayon kay retired Coronel Nestor Flordeliza, Officer in Charge ng Pasig ferry river service ay dahil nasira ng mga water hyacinth at basura ang 6 sa 8 ferry ng ahensya.
Aniya, kailangan ay masigurong malinis muna ang ilog dahil kahit na bumili nang bago ay masisira lamang ang mga ito.
Inamin naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na marami pang dapat na ayusin sa Pasig ferry.
Sa ngayon ang byahe ng ferry ay mula lamang sa Pinagbuhatan, Pasig City hanggang sa Santa Ana, Maynila dahil ang 4 sa 11 istasyon ay hindi nadada-ungan.