Tinatayang magreresulta sa 300,000 na trabaho ang partial reopening ng mga restaurants at personal care industries sa NCR Plus Bubble.
Sa kabila kasi ng pagpapalawig pa ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa ika-14 ng Mayo ay pinapayagan na ng pamahalaan ang 10% dine-in capacity sa mga restaurants, habang maaari na ring mag-operate sa 30% capacity ang mga barbershop at parlors.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, makatutulong ito sa mga kababayang Pinoy na makapagbabalik-trabaho sa gitna na rin ng umiiral na MECQ.
Magugunitang batay sa tala ng Deparment of Trade and Industry, nasa 1-milyon ang nanatiling “displaced” workers dahil sa pagpapatupad ng MECQ sa mga lugar na sakop ng NCR Plus Bubble.