Kumpiyansa ang partido Liberal na hindi makaka apekto sa trabaho ni Vice President Leni Robredo, ang kawalan nito ng posisyon sa gabinete ni Pangulong RODRIGO duterte.
Ayon kay Barry Guttierez, tagapagsalita ng Liberal Party, ito ay dahil mayroon namang sariling budget at staff ang tanggapan ng Bise Presidente.
Sinabi din ni Guttierez na bagamat hiwalay ang panunumpa ng Presidente at Bise Presidente, naging maganda naman ito para sa mga taga suporta ni Robredo.
Kaugnay dito, tiwala si Sen. Bam Aquino at Kiko Pangilinan na magagampanan ni Vice President Leni Robredo ang kanyang tungkulin, kahit walang posisyon sa gabinete.
Sinabi ni Pangilinan na committed public servant si Robredo kaya tiyak na mapapahusay nito ang pamumuhay ng publiko, kahit maliit lang ang pondo ng office of the Vice President.
Ayon kay Aquino, tiyak na tutulong ang iba’t ibang grupo para sa pag – angat ng mga nasa laylayan.
By: Katrina Valle