Tuluyan nang nakipag-sanib pwersa ang People’s Reform Party o (PRP) ni yumaong Senador Miriam Defensor-Santiago sa Hugpong ng Pagbabago o HNP ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay PRP President Narciso Santiago Junior, biyudo ng dating senador, todo-suporta ang kanilang partido sa posibleng presidential candidacy ni Mayor Inday.
Marami anyang pagkakapareho ang PRP at HNP at naniniwala silang maipagpapatuloy ng presidential daughter ang nasimulang pagbabago ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagaman wala pang desisyon ang alkalde, umaasa si Santiago at kanilang partido na diringgin ni Mayor Inday ang panawagan ng publiko na tumakbo sa pagka-pangulo. —sa panulat ni Drew Nacino