Tinawag na gimmick lamang ni Senador Serge Osmeña ang ikinasang Partido Pilipinas nina Senadora Grace Poe at Senador Francis Escudero.
Ayon kay Osmeña, para sa kaniya, hindi kumakatawan ang Partido Pilipinas sa isang malinaw na prinsipyong pulitikal.
Aniya, walang sinumang kandidato ang makapagsasabing siya o sila’y indipendyente dahil sa tiyak na tatanggap at tatanggap sila ng tulong lalo na sa kampanya.
Gayunman, sinabi ni Osmeña na hindi mahalaga ang partido sa halalan kundi ang kalakasan aniya ng mga kandidato ay ang alyansa at ugnayan sa iba’t ibang taga suporta, indibidwal man o grupo.
By: Jaymark Dagala