Nalagasan pa ng ilang mahalagang opisyal ang Partido Reporma sa lalawigan ng Bohol makaraang manatili ang suporta ng mga ito sa ngayo’y Independent Presidential candidate na si Senador Panfilo Lacson.
Ito’y bunsod ng paglipat ng suporta ng partido kay Vice President Leni Robredo, kamakailan.
Kabilang sa mga kumalas sina Jagna Mayor Joseph Rañola at dating Provincial Police Chief Edgardo Ingking, na kapwa Co-Chairmen ng partido sa lalawigan.
Nag-resign din sina Joseph Sevilla, Eduardo Aranay at Emmanuel Solomon Duites, coordinators para sa first, second at third districts.
Pinili ng grupo nina Rañola na suportahan ang kandidatura ni Lacson dahil naniniwala silang kailangan ang mga leader na tulad ni Senator Ping na mayroong malinaw na “vision” para sa bansa at taumbayan.
Marso 20 kwatro nang magbitiw si Lacson sa Partido Reporma matapos magpasya ang ilan sa mga opisyal nito na i-endorso si Robredo.