Nasa 272 million pesos ang nagastos ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang partidong politikal ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nagdaang eleksyon 2022.
Ito ang inihayag ni PFP General Counsel Attorney George Briones base sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Aniya, ang nasabing halaga ay below the maximum expenditure na 337 million pesos na pinapayagan ng batas para sa national political party.
Ang 400 pahina ng SOCE na inihain ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong araw ay nilagdaan ng PFP National Treasurer na si Anton Lagdameo, na napili ni Bongbong na maging Special Assistant to the President (SAP) sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Sa ilalim ng Republic Act 7166 section 14, ang lahat ng kandidato at treasurer ng political party ay dapat na maghain ng SOCE sa loob ng 30 days matapos ang eleksyon.