Isang alyansa ang binuo sa pagitan ng PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi at Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan o PDDS.
Ang PDDS na itinatag noong 2019, ay pinangungunahan ni Presidential Anti-Corruption Commission Chairman Greco Belgica.
Ayon kay Cusi, magkatulad ang prinsipyo at ideyolohiya nila ng PDDS na isulong ang pagpapaunlad ng bansa.
Inihayag naman ni Belgica na inorganisa ang PDDS upang ipagpatuloy ang mga layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sandaling matapos ang termino nito.
Binuo ang nabanggit na alyansa sa gitna ng hidwaan ng PDP-Laban Cusi wing sa paksyon nina Senators Manny Pacquiao at Koko Pimentel.—sa panulat ni Drew Nacino