Muling hinikayat ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) ang mga Civil Society Organizations (CSOs) na magparehistro at magpa-accredit para maging katuwang sa implementasyon ng mga programa, proyekto at aktibidad ng Department of Agriculture (DA).
Pahayag ni PCAF Executive Director Nestor Domenden, mahalaga ang partisipasyon ng iba’t ibang organisasyon upang epektibong maipatupad ang mga agriculture programs ng ahensya.
Ayon kay Domenden, bahagi ito ng pagtataguyod ng transparency at accountability at pagpapaigting ng mabuting pamamahala o good governance sa sektor ng agrikultura.
Kasabay nito, sinabi pa ng opisyal na ang mga accredited CSOs ay popondohan ng DA sa pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno.