Handang tumayong First Lady ng bansa ang partner ni incoming President Rodrigo Duterte na si Honeylet Avancenia
Sinabi ni Avancenia na wala namang ibang kasama sa bahay ang bagong Pangulo at pareho aniya sila ng tinitirhan
Gayunman inihayag ni Avancenia na para maiwasan ang ispekulasyon, mas mabuting hintayin na lamang ang inagurasyon ni Duterte
Magugunitang inihayag ni Duterte na magiging First Lady niya ang anak na si Davao City Mayor Sarah Duterte
Ipinabatid pa ni Avancenia na mas gusto niyang manatili sa bahay nila Sa davao City kaysa tumira sa Malacañang sa susunod na 6 na taon
Kasabay nito umapela si Avancenia sa mga Pilipino na hayaan si Duterte na gawin ang trabaho nito bilang Presidente at tinitiyak niya aniyang wala itong lalabaging batas sa kaniyang termino
By: Judith Larino