Nasakote ng mga otoridad ang isang hinihinalang drug pusher sa buy-bust operation sa Taguig City, kagabi.
Kinilala ang suspek na si Kenneth Santillian na nahuli sa loob ng isang hotel sa Bonifacio Global City.
Kabilang sa mga narekober kay Santillian ang labing-pitong piraso ng party drugs na “hello kitty” at tesla, labing-isang pakete ng shabu at sampung tableta ng valium na nasa 60,000 pesos ang halaga.
Nasamsam din sa suspek ang isang bote ng liquid marijuana at cellphone kung saan inirecord kung paano ginagamit ang nabanggit na droga.
Aminado si Santilla na siya ang supplier ng droga sa mga high-end bar sa Makati, Taguig, Pasay at Quezon City.
Samantala, arestado naman ang isang Auriane Bryan Combe na nahulihan ng dalawampu’t isang piraso ng mga droga tinatawag na “hello kitty” at “ups.”
By: Drew Nacino