Mas paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga.
Ayon kay PNP-Drug Enforcement Group Head Chief Superintendent Albert Ferro, kasabay ng paglulunsad ng Oplan Sumvac, kanilang tutukan rin ang mga nagkalat na party drugs na ibinebenta sa mga kabataan lalo na ngayong bakasyon.
Sinabi ni Ferro na kanilang napag-alaman na talamak ang bentahan ng naturang droga sa ganitong panahon at nagiging patago rin ang pagbili sa merkado.
Hindi na umano nila hahayaan pang maulit ang nangyari noong March 2016 kung saan namatay ang limang kabataan sa isang concert matapos umanong hindi kayanin ang epekto ng party drugs.
—-