Nais na harangin ng Anti-Communist Task Force ng pamahalaan ang kandidatura ng mga progresibong party-list groups sa darating na halalan sa 2022.
Ito’y matapos nilang ihayag na “legal fronts” ang mga grupong ito ng New People’s Army (NPA).
Sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon na magsasampa sila ng disqualification case sa Commission on Elections sa mga grupong sa tingin nila ay may koneksyon sa armadong pakikibaka.
Ani Esperon lalong tumibay ang kanilang paniniwala na hindi dapat magkaroon ng anumang posisyon sa gobyerno ang mga grupong hindi kumokundena sa gawain ng NPA.
Magugunitang itinanggi ng Makabayan Bloc na konektado sila komunistang grupo bagama’t hindi nila umano kinokondena ang NPA sa halip ay pakinggan o tugunan ang dahilan ang pag-aalsa ng mga ito gaya ng nararanasang kahirapan at katiwalian.