Kinasuhan sa Office of the Ombudsman ang isang kongresista dahil sa umano’y pananatili nito sa puwesto sa isang local electric cooperative.
Batay sa reklamo ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. o NASECORE, inakusahan nito si Rep. Presley de Jesus ng PHILRECA party-list ng paglabag sa anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon sa NASECORE, kahit nahalal na si de Jesus ay hindi pa rin pinapakawalan ng mambabatas ang kanyang puwesto bilang presidente ng Board of Directors ng Isabela-I Electric Cooperative, Inc. o ISELCO-I.