Agad na pinagtibay ng House Committe on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang batas na magpaparusa sa mga balimbing sa politika.
Mabilis na naaprubahan ang panukala kasunod ng ng ginawang pag-invoke sa House Rule No. 10 section 48, na siyang dahilan ng agaran nitong pagkakapasa sa 3rd reading ng komite.
Nakasaad sa House Bill 488 o strengthening the political party system, otomatikong maaalis sa elective office ang isang public official kung lilipat ito ng partido isang taon matapos o bago ang halalan.
Hindi na rin maaring kumandidato sa eleksyon ang opisyal na ito, at hindi rin pahihintulutang maitalaga sa anumang posisyon sa loob ng tatlong taon.
Maliban dito, mahigpit ding ipagbabawal ang paghawak nila ng posisyon sa lilipatang partido at dapat na maibalik nila ang ginastos o ibinigay sa kanila ng iniwanang partido kabilang na ang 25% surcharge.
Target ng panukala na patatagin ang political party system ng bansa at matuldukan ang pagiging balimbing o paglilipat-lipat ng partido ng isang pulitiko.
Naniniwala naman si dating pangulo at ngayoy’y cong ngunit dahil dito, ang pag-anib ng ilan sa isang political party ay para sa convenience at hindi dahil sa ideological commitment o conviction.