Hihilingin ng Philippine National Police o PNP sa Kongreso na pabigatin pa ang parusa sa mga mapatutunayang sangkot sa indiscriminate firing.
Ito’y kahit pa napatunayan ng PNP Anti-Cybercrime Division na hindi sa Pilipinas nangyari ang kumakalat na video ng pamamaril bagama’t nagsasalita ng Filipino at Ilokano ang mga lalaking nakita rito.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, maraming dapat pagtuunan ng pansin tulad ng mga kahalintulad na kaso ng indiscriminate firing sa bansa nitong nakalipas na holiday season.
Dahil dito, sinabi ni Marquez na wala na sa kanyang prayoridad ngayon ang pag-iimbestiga sa naturang video dahil wala naman silang hurisdiksyon kahit pa mga Pinoy ang nakuhanan dito.
Batay sa umiiral na batas, pagkakakulong ng isang buwan at multang hindi bababa sa P200 ang katapat na parusa sa mga mapatutunayang lumabag dito.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal