Papatawan ng mas mabigat na parusa ang lalabag sa pagbabawal sa paninigarilyo sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, tila hindi na sapat ang 500 Pisong multa at dalawang araw na kulong upang pigilang manigarilyo ang mga tao sa mga lugar kung saan bawal manigarilyo.
Kabilang dito ang mga bangketa, ospital, paaralan, at palengke.
Dahil dito, aabot na sa 3000 ang multa sa mga lalabag ng smoking ban sa maynila samantalang aabutin sa sampung araw ang pagkakakulong.
Kaugnay nito, pinamamadali na ni Estrada ang pagpasa sa draft ordinance na nagtatakda ng mga patuntunan sa smoking ban.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco