Pinag-aaralan pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kung anong parusa ang ipapataw sa 16-taong gulang na bata na nagpalipad ng isang drone, na bumagsak sa loob ng paliparan.
Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, kasama sa mga opsyon ay ang pagpapataw ng 300 hanggang sa P500,000 pisong multa sa menor de edad, o kaya ay ang permanenteng ban sa pagpapalipad ng drones.
Bago magpasya, kailangan munang humarap sa hearing ng menor de edad, kasama ang kanyang magulang, at magpaliwanag sa ginawang pagpapalipad ng drone.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)