Hindi muna mahaharap sa kaso ang mga magulang na iligal na tumawid mula Mexico patungong Amerika kasama ang kanilang mga anak.
Ito ayon kay Kevin McAleenan, pinuno ng US Customs and Border Protection ay sa kabila ng direktiba ni US President Donald Trump na tuluy-tuloy ang zero tolerance policy sa isyu ng illegal immigration.
Sinabi ni McAleenan na hindi muna ite-turn over ng border agents ang mga magulang sa mga awtoridad hanggat hindi pa naaayos ng US government kung paano paparusahan ang mga ito nang hindi naihihiwalay sa kanilang mga anak.
Ang nasabing hakbang ay posibleng magbalik sa catch and release policy na mahigpit na kinokontra ni Trump dahil wala nang espaso sa mga kulungan ng bansa.
Dahil ditto, pababalikin na lamang ang mga pamilya para humarap sa isang hukom sa mga susunod na panahon.
—-