Aabot sa kalahati hanggang apat na milyong piso ang maaaring kaharaping multa ng mga lalabag sa data privacy, alinsunod sa kalalagdang Sim Registration Act.
Ibinunyag ito ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary John Ivan Uy sa gitna ng pagbabalangkas sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng naturang act.
Iginiit din ng kalihim na mananagot ang mga TELCOs sakaling magkaroon ng data leak dahil responsibilidad ng mga ito ang pag-iingat sa anumang impormasyon ng kanilang mga subscribers. - sa panulat ni Hannah Oledan