Masyado magaan ang parusa sa mga lumalabag sa batas sa pagtitinda at paggawa ng paputok.
Kaya naman, irerekomenda ng PNP sa Kongreso na amyendahan ang RA 7183 o ang batas na nagreregulate sa mga nagtitinda at gumagawa ng paputok
Ayon sa hepe ng PNP firearms and explosives office na si Chief Superintendent CESAR BInag, partikular nilang itutulak ang pagbigat ng parusa sa mga lalabag sa RA 7183.
Sa ngayon kasi, kulong lamang ng Anim na buwan hanggang Isang taon at multa na 20,000 piso hanggang 30,000 Piso ang parusa.
Dapat din anyang linawin sa batas kung ano ang dapat na eksaktong distansya ng bawat isang tindahan ng paputok.
Sa ngayon kasi, walang ekstakong numero sa halip, safety distance lang ang naksaad sa batas.
Samantala, sa oras na ito ay nag iinspeksyun na ang mga miyembro ng PNP firearms and explosives office sa mga tindahan ng paputok doon sa Bocaue Bulacan.
Kung matatandaan, noong Miyerkules sumabog ang tindahan ng paputok sa Bocaue kung saan 2 indibidwal ang nasawi kabilang na ang may ari ng tindahan.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal