Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang magbibigay ng mabigat na parusa sa mga mambabato ng mga sasakyan.
Sa botong 171, pumabor at walang tumutol inaprubahan ang House Bill 7163 na ini-akda ni Majority Leader Rodolfo Fariñas.
Batay sa panukala, ang sinumang mapapatunayang naghagis ng bato, bote, kahoy, bakal o anomang uri ng matigas na bagay sa isang sasakyan ay maaaring maharap sa dalawamput limang taong pagkakakulong.
Bukod dito, ay pagmumultahin din ng P100,000 pati civil liabilities kung ang insidente ay magreresulta ng kamatayan ng isang indibiduwal.
Limang taong kulong naman at P15,000 multa kung masusugatan ang sakay ng binatong sasakyan at sasagutin ng akusado ang gastusin sa pagpapagawa nito.
—-