Itinaas na sa labinlimang (15) taong kulong ang parusa sa para sa sinumang magkokontamina ng pagkain sa Australia.
Ito ay sa harap ng matinding takot na idinulot ng natagpuang karayom sa strawberries at iba pang prutas na ibinebenta sa naturang bansa.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa mahigit isandaang (100) reklamo na kanilang natanggap kaugnay ng kontaminadong mga strawberries.
Kasabay nito, pansamantala munang ipinagbawal sa merkado ang pagbebenta ng karayom upang humupa ang pangamba ng publiko ukol dito