Hindi tuluyang binuwag ng saligang batas ang parusang bitay sa bansa alinsunod sa naging kautusan ng Korte Suprema.
Ito ang naging argumento ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Kamara hinggil sa planong pagbabalik sa death penalty sa bansa.
Ayon sa konstitusyon ani Aguirre, binibigyan nito ng kapangyarihan ang Pangulo ng bansa at ang Kongreso na ibalik o muling ipatupad ang parusang bitay kung malaki ang pangangailangan para rito.
Napapanahon na aniya na ibalik ang parusang bitay dahil sa malalang problema ng bansa hinggil sa iligal na droga, kurapsyon at krimen gayundin ng terorismo na siyang naka-a-apekto sa seguridad ng publiko.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc