Nangangamba si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na maging bagong normal na lamang sa kasalukuyan ang karahasan.
Ito ang iginiit ng Kardinal sa ipinalabas niyang kalatas na ipinakakalat sa lahat ng Simbahang sakop ng Archdiocese ng Maynila para tutulan ang pagbabalik ng parusang bitay sa bansa.
Ayon sa Kardinal, posible aniyang magdusa sa pagbabalik ng parusang bitay ang mga inosente na kadalasang naparurusahan habang nakalalaya naman ang may sala.
Dapat aniyang alalahanin ng lahat na ang kaloob ng Diyos ang buhay at walang sinumang tao sa mundo ang dapat humatol para kunin iyon.
By Jaymark Dagala | Report from: Aya Yupangco (Patrol 5)