Pagbabalik ng parusang bitay, igigiit ni Senador Bong Go umaasa ang isang senador na maibabalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Sa inihaing Senate bill number 207 ni Senador Bong Go, layon nitong ibalik ang death penalty para sa kasong drug trafficking at pandarambong.
Ani Go, dapat na kamatayan ang ipataw na kaparusahan sa mga taong mapapatunayan sa kasong pandarambong na nagnakaw ng P50 milyon o higit pa.
Binigyang diin pa ni Go, na hindi tumitigil si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya kontra korapsyon at iligal na droga.
Sa huli, nanindigan si Senador Go na kahit pa matapos ang termino ng pangulo, ay patuloy pa rin niyang isusulong Senado ang naturang panukala.