Dapat puspupusan nang maisulong ang parusang kamatayan para sa mga High Level Drug Traffickers.
Ito ay ayon kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto matapos na makalusot sa BOC o Bureau of Customs ang mga shabung nagkakahalaga ng P6.4-B mula sa bansang China.
Giit ni Sotto, ang nasabing insidente ay indikasyon na sa kabila ng giyera ng pamahalaan ay malakas pa rin ang loob ng mga drug trafficker na magpasok ng iligal na droga sa bansa.
Naniniwala rin si Sotto na kung lilimitahan lamang sa High Level Traffickers ang death penalty ay malaki ang tiyansang agad itong makakapasa sa senado.
Dagdag pa ni Sotto, kailangan na ring balasahin ang BOC matapos na makalusot ang tone-tondeladang shabu sa ahensiya.