Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ni Senador Bong Go na isama sa mga dapat patawan ng parusang kamatayan ang mga nagkasala ng plunder.
Sa bahagi ng kaniyang talumpati sa inagurasyon ng Candon City, Bypass Road sa Ilocos Sur, sinabi ng pangulo na masyado nang talamak ang katiwalian sa gobyerno kaya’t dapat lang aniyang maisalang sa parusang kamatayan ang mga mandarambong.
Dagdag pa ng pangulo, walang dapat na ikatakot dito ang mga opisyal ng gobyerno kung wala namang malaking pera sa bangko na nakatago na hindi nila pinaghirapan.
Death penalty for plunder at saka drugs I am for it. If you do not have the money in the bank why should you be afraid?” ani Duterte.
Kasabay nito, nilinaw ng pangulo na ayaw niyang ibaba sa P10-M mula sa P50-M ang dapat na maging batayan sa mga mapapatunayang nagnakaw sa kaban ng bayan.
I am for it. Kung wala kang plunder, threshold is 50 million. Ang pinaka-plunderer as I have said during my campaign, yung mga mayaman na may connections, billion ang kanila,” dagdag pa ng pangulo.