Naniniwala si Leyte Rep. Richard Gomez na dapat nang ibalik ang parusang kamatayan sa mga drug traffickers sa bansa.
Ayon kay Gomez, para mapuksa ang iligal na droga, dapat mabigat na parusa rin ang ipataw sa mga drug traffickers maging ang mga dayuhang masasangkot sa iligal na droga.
Bukod pa dito, plano ding isulong ng Kongresista na amyendahan ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular na sa probisyon ng pag-alis sa plea bargaining agreement upang hindi mabalewala ang sakripisyo o paghihirap ng mga pulis sa kanilang panghuhuli sa mga sangkot sa illegal drugs.
Sa kabila nito, hinikayat ni Gomez ang mga Local Government Units na mas paigtingin ang paglaban kontra sa iligal na droga.