Inilarga na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng ‘Pantawid Pasada’ fuel voucher cards sa mga drayber ng public utility jeepney (PUJ) at operators sa iba’t ibang sangay ng LTFRB sa buong bansa.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, layon ng programa na maibsan ang matinding epekto ng serye ng oil price increases at mataas na excise taxes bunga ng tax reform for acceleration and inclusion o TRAIN law.
Sinasabing ang lumpsum subsidy na P5,000 ay ipamimigay sa halos 200,000 ‘legitimate PUJ franchise holders’ hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.
Magugunitang inilunsad na ng LTFRB ang distribusyon ng pantawid pasada cards noong Hunyo 17 sa kalakhang Maynila.
—-