Inanunsyo ni New Zealand Prime Minister Jacinda Arden na babawasan nito ang Excise Tax sa mga produktong petrolyo.
Aniya, gayundin sa road users tax at magiging kalahati na lamang ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ay sumampa na sa 3 dollars o 106 pesos ang kada litro ng mga produktong petrolyo at posibleng pang sumirit sa 4 dollars o 142 pesos sa mga susunod na linggo.
Magsisimula namang pairalin ang patakaran sa unang araw ng abril ngayong taon at magtatagal ng tatlong buwan.
Samantala, sinabi ni Ardern na magmumula ang pondo ng pamahalaan sa mga hindi nagamit na COVID-19 fund. —sa panulat ni Airiam Sancho