Ilang pasahero ang nabulaga sa pagtigil ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel simula kahapon.
Kailangan nang magbayad ng mga commuter ng EDSA Bus Carousel matapos mapaso ang service contracting program ng Department of Transportation sa ilalim ng Bayanihan 2.
P13 hanggang P61 ang pasahe sa EDSA Carousel depende sa layo ng biyahe katumbas ng P120 kung balikan.
Karamihan sa mga pasahero ay minimum wage earner kaya’t umaaray ang ilan sa kanila lalo’t malaking tulong sana ang libreng sakay.
Ang Bayanihan 2 ang nagbigay-daan sa service contracting program ng DOTR upang magkaroon ng libreng sakay. —sa panulat ni Drew Nacino