Dagsa pa rin ang mga pasahero sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa mahigit 82,000 ang mga pasahero ang naitala sa mga pantalan hanggang kahapon.
Pinaka-marami rito ay outbound passengers na nasa 46,000 habang mahigit 35,000 ang inbound passengers.
Ipinakalat naman ng PCG ang halos 2,000 tauhan bukod pa sa pag-iinspeksyon nila sa lahat ng malalaki at maliliit na sea vessel.
Mananatiling naka-heightened alert ang coast guard hanggang Sabado, Enero 7. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla