Malaki na ang ibinawas ng mga pasahero sa NAIA matapos maapektuhan nang pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines nuong Huwebes ng gabi.
Ipinabatid ito ni NAIA General Manager Ed Monreal matapos tuluyang maalis sa main runway ang sumadsad na eroplano.
“Malaki na po yung bagay na na-improved di gaya ho ng dati halos hindi natin makita ang mahulugan ng karayom yung atin lobby, specifically sa NAIA Terminal 1. Ngayon po ay nakikita na natin at least yung sahig ng lobby as compared before nuong unang araw o nuong unang pagbukas halos puro ulo nakikita natin ng mga tao sa paliparan.” Pahayag ni Monreal.
Samantala, tuluy tuloy ang pag alis ng mga naantalang biyahe dahil sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines.
Sinabi ni Monreal na halos pitong daang flights na ang nakaalis simula nang buksan muli nila ang main runway nuong sabado ng tanghali.
“In terms of flight operations since the time we open the runway at 11:25 Saturday morning, Flights are on-going as of our count yesterday at around 11:25 or about 24 hours later when we open the runway. We logged in about 681 flights already that came and departed in our aerodrome. I’m sure that has increased already because of succession of flights that has operated.” Ani Monreal.