Anim na araw nang stranded ang nasa 200 pasahero sa Manila North Port.
Karamihan sa mga biyahero ay patungong Cagayan De Oro at Bacolod.
Ayon sa pamunuan ng North Port, hindi nakabiyahe ang mga nasabing pasahero matapos humagupit ang bagyong Paeng.
Namahagi naman ng hot meals ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong biyahero.
Samantala, inaasahang makaaalis na ngayong araw ang ilan sa mga stranded na pasahero makaraang gumanda na ang panahon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla