Mayroong sapat na suplay ng noche buena items ngayong holiday season.
Ito ang pagtitiyak ng grupong Philippine Amalgamated Supermarkets Association, Inc. halos isang buwan bago ang Pasko.
Suhesyon ni PASAI President Steven Cua sa publiko, bumili na ng maaga, dahil mura at may diskwento pa ang ilang noche buena product.
Dagdag pa ng PASAI, makakapili ng brand ng produkto ang mga mamimili at makakasiguro sila na mayroon itong magandang kalidad. - sa panulat ni Charles Laureta