Umapela ng pang-unawa ang mga jepney driver at operators sa publiko kaugnay ng hirit nilang gawing sampung piso (P10) o dagdagan ng piso ang kasalukuyang siyam na pisong (P9) minimum fare sa jeep.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin hindi na maka-agapay ang kita sa pamamasada ng mga tsuper dahil aabot na aniya sa P45 ang kada litro ng gasolina.
Maliban dito, apektado rin ang pamilya ng mga tsuper sa nagtataasang presyo ng mga bilihin.
“Kami ay humihingi ng pasensya at pang-unawa sapagkat wala naman kaming paghuhugutan o pagbabawian, saan namin kukunin ang mga pagtaas na ito na ginagawa ng big oil players? Remember the last time na mag-P40 ang pamasahe nun ay nasa P8 hanggang mag-file tayo ng petition, ngayon P45 na palagay ko ay madali na kaming maintindihan logically.” Ani Martin
Samantala, tiniyak naman ng Pasang Masda na kanilang hihilingin na maibaba ang pasahe sa jeep oras na bumaba naman ang presyo ng mga produktong petrolyo.
“Alam naman ninyo ang Pasang Masda kapag bumaba naman talaga ang presyo ay nagfa-file agad tayo ng voluntary reduction of fare para pagbigyan an gating mga mananakay.” Pahayag ni Martin
(Ratsada Balita Interview)