Ipinatatawag na ng Land Transportation Office (LTO) ang dayuhang may-ari at driver ng sports car na dumaan sa EDSA bus lane.
Ipinahaharap ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID) ang dalawa, bukas, October 24, alas-10 ng umaga.
Maliban dito, kailangan rin magsumite ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat sampahan ng kaso at bakit hindi kailangan mabawi ang lisensya ng mga ito.
Nagpaalala naman ang LTO na kung hindi magsusumite ng dokumento ang dalawa ay papatawan sila ng karampatang parusa lalo na’t matibay ang ebidensya na hawak ng IID.