Makararanas bukas, November 23, 2022 ng pagkaantala sa suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Pasay City.
Sa anunsiyo ng Manila Electric Company (MERALCO), ang power service interruption ay magsisimula bukas ng alas-11 ng gabi na tatagal hanggang alas-4 ng umaga, November 24.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, apektado ang mga residente sa ilang lugar partikular na ang mga nakatira sa Dancel at A. Luna Street sa kahabaan ng Taft Ave.
Maaapektuhan din ang CTD Development Corp. bunsod ng maintenance work sa linya ng kuryente.