Magsisilbing treatment facility para sa mga “moderate” coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients ang Pasig City Children’s Hospital (PCCH) matapos ang ginawang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Pasig at ng The Medical City (TMC).
Ayon Dr. Eugenio Ramos, chief executive officer ng TMC, mayroon aniyang 63 bed capacity ang ospital para ipagamit sa mga may moderate symptoms ng sakit.
Bukod pa riyan, mayroon ding 12 intensive care unit (ICU) at anim na ventilator ang ospital.
Ang may mild case naman ay maaring i-admit sa ibang ospital sa pasig, dahil magsisilbing acute care center ang TMC sa mga “severe” COVID-19 patients.
Kasunod nito, ayon kay Ramos, ang mga pedriatic staff ng PCCH ay ililipat sa ibang mga ospital na may non-COVID-19 case habang ang mga adult medical frontliners naman ang magmamando ng operasyon ng PCCH bilang COVID-19 hospital.